Huwag kang padaig sa mga tukso Maging uliran ka sa ibang tao; Ang pakikilaban ay tapangan mo, At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.
REFRAIN
Humingi kay Jesus ng tulong, lakas at aliw Papatnugutan ka at pananagumpayin!
Sa mga masama'y h'wag kang mabuyo, At ang ngalan ng Diyos ay pgalang mo, Maging masikap ka't h'wag mabalino, At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.
Ang mananagumpay ay magtatamo Ng koronang hindi na maaano; Sa Diyos tumawag ka at pasaklolo, At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.